



Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
POETRY NGA ITO MY GOODNESS NAMAN OHHHH
Typology: Schemes and Mind Maps
1 / 7
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
Isinulat ni: Rosalie G. Gacusan Rosalie G. Gacusan BSBA 2C MARKETING
Mula pagkabata ay magkasama ng lumaki sina Jena at Mela laging magkasama at halos magkapatid na ang turingan ng isa't-isa. Madalas sabay silang naliligo at kumakain bago sila pumasok sa paaralan. Si Aling Rosa na Ina ni Jena ay tuwang-tuwa sa kanilang pagkakaibigan at itunuturing naring parang tunay na anak itong si Mela. Lubos nitong pinagkakatiwalaan si Mela dahil alam niyang hindi ito marunong magsinungaling bukod pa dito'y napakabait ni Mela at isa pang ikinatutuwa ni Aling Rosa sa kanya. Higit na mas angat ang pamumuhay ni Jena kaysa kay Mela dahil ang kanyang mga magulang ay mayroong maayos at regular na trabaho at malaki ang kinikita nila bawat araw samantalang ang mga magulang naman ni Mela ay nakikisaka lamang at kung minsan nama'y nangingisda ang kanyang ama sa bukid at kadalasan ang mga isdang nahuhuli ay ipinapalit nila ng bigas upang may maisaing. May mga pagkakataon na hindi pumapasok sa paaralan si Mela at mas pinipiling mag-alaga nalang ng kanyang mga kapatid na nakababata upang maghanap-buhay ang kanyang ina na si aling Milagros, madalas ay tinatawag siya ng kanilang mga kapitbahay upang ipaglaba sila ng kanilang mga damit at pagkatapos ay inaabutan ito ng pera at kung minsan naman ay may pabaon pang bigas Pang lima si Mela sa walong magkakapatid at halos lahat sa kanila'y nag-aaral pa kaya napakahirap sa kanilang magpatuloy sa pag-aaral ng sabay-sabay lalo na't hindi ganoon kalaki ang kinikita ng kanilang mga magulang sa paghahanap-buhay. Si Jena ang madalas kasama ni Mela kaya alam niya ang bawat detalye ng buhay ni Mela at alam na alam nito kung siya ay nalulungkot o nagdaramdam dahil bukas ang tainga ng bawat isa para makinig sa mga hinaing at problema sa buhay.Alam ni Jena kung paano pasayahin si Mela sa mga ganoong sitwasyon ng kanyang buhay maging si Mela ay ganoon din kay Jena. Elementarya pa lamang sila ay talagang sobrang lapit ng loob sa isa't isa , palaging magkasama saan man magpunta at madalas kapag hindi sasama ang isa sa kanila ay hindi nadin tutuloy ang isa.Parehas na palatawa ang dalawa, isang tinginan lang ay alam na agad ang pahiwatig ng kanilang mga mata.Magkasundo sila sa lahat ng bagay kaya memoryado na nila ang bawat likaw ng bituka. Isang araw inanyayahan silang dalawa sa bahay ng isa din sa malapit nilang kaibigan upang mag-foodtrip at bago pa ito ay gumala muna sila at nakarating sa kung saan-saan.Masayang nagkukwentuhan ang tatlo habang naglalakad at kumakain ng bayabas na sinungkit lang sa gilid ng daan.Nang makarating na sila sa bahay ng kanilang kaibigan naghanda sila ng mga pagkain na lulutuin, habang sila'y nagluluto ay
natuklasang ito kaya naman ay kaagad silang nag audition at kaagad silang natanggap kaya nagsimula na silang mag-practice at tinuruan kaagad sila ng mga datihan. Ramdam nila ang pagod dahil di nila lubos maisip na napakahirap pala ng pag-eensayo nila at nakakakabang paghagis at pagsalo sa kanila. Sobrang hirap pero ramdam ang saya sa kanila dahil iniisp nila na ang lahat ng paghihirap nila ay matutumbasan ng tagumpay. Sa isang linggong pag-eensayo ni Mela ay hindi aam ng kaniyang Ina na ganoong bagay ang sinalihan niya inilihim ito ni Mela dahil alam niyang papagalitan siya at hindi siya papayagan ng kanyang ina na magpatuloy sa pag checheerdance dahil baka maaksidente siya sa bawat hagis at nakakabaling buto ng kanilang ensayo. Noong nalaman ito ng kanyang ina ay pinatigil si Mela sa pagsali dito at hindi na rin siya nagtuloy. Walang magawa si Mela kundi sundin ang kanyang ina kaya umalis na lang siya at umiiyak habang papunta kay Jena. “Bakit ka umiiyak Mela?” “Anong nangyari sayo?” “Hindi na ako tutuloy sa pagsasayaw” tugon nito Ipinaliwanag ni Mela ang rason patungkol dito at sobrang nalungkot si Jena dahil hindi niya na muling makakasama si Mela sa pagsasayaw. Nilakasan nalang ni Jena ang kanyang loob para magpatuloy dahil pangarap nilang dalawa ito kaya si Jena ang nagtuloy dito para narin sa kanyang kaibigan. Nagfocus nalang si Mela sa kanyang pag-aaral, nalulungkot din siya dahil wala na siyang kasabay magmeryenda at kumain dahil panay ang training ni Jena at madalas ay halos hindi sila nagkikita sa loob ng paaralan, nagpatuloy ang ganitong pangyayari hanggang sa makatapos sila ng Hayskul at hindi nila namamalayan na unti-unti na palang nasisira ang kanilang pagkakaibigan dahil sa madalas nilang hindi pagkikita, sa halos dalawang taon ay nagkaroon sila ng kaniya-kaniyang kaibigan at kung magkamustahan ay minsan nalang. Si Jena ay nagkaroon ng mga bagong kaibigan dahil sila ang madalas na kasama niya sa cheerdance at si Mela naman ay nagkaroon ng bagong grupo ng kaibigan dahil sila ang madalas na kasama niya nung mga panahong wala sa tabi niya ang kaibigang si Jena. Ganun din marahil ang naging rason ni Jena kaya nangyari ang ganoong bagay na sumira at naglayo sa loob nila sa isa't isa. Hindi nila masisi ang isa't-isa dahil pareho silang may pagkukulang at ang pagkukulang na iyon ay nahanap nila sa ibang tao at nagbigay sa knila ng kasiyahan sa panahong malungkot sila at walang mapagsabihan. Sa isang pagkakataon ay inanyayahan si Jena at Mela para sa isang selebrasyon ng isa sa kanilang kaibgang si Angie, ito ang ika- labinwalong taon ng kaarawan ni Angie at isa sa pinakaespesyal na kaganapan sa kanyang buhay dahil ito ay araw ng kanyang debu.
Inilagay sa 18th Candles ang magkaibigan kaya excited siya na makasama sila sa araw na iyon parehas na malapit ang loob ni Angie sa dalawa kaya inaasahan niya ang pagdalo nila ngunit lingid sa kaalaman ni Angie na matagal nang hindi naguusap ang dalawa pagkalipas ng ilang taon. Kaya noong pagsapit ng kaarawan niya ay laking gulat na lamang na may ibang kasama si Jena samantalang si Mela ay mag-isang pumunta. Hindi na sinubukan pang tanungin ni Angie kung bakit hindi sila magkasama dahil bka mapahaba pa ang usapan at baka makaabala pa sa oras dahil magsisimula narin ang programa. Ang mahalaga ay nakadalo sila at masayang - masaya si Angie ng makita sila. Paglipas ng ilang oras ay hindi parin nagpapansinan si Jena at Mela na para bang may galit sila sa isa't-isa hindi nalang nila pinapahalata pero bakas sa mukha ni Mela ang pagkalungkot at panghihinayang habang palihim na tumitingin kay Jena. "Gustong-gusto ko siyang lapitan, pero baka ipagtabuyan niya lang ako" "Mukhang masaya naman siya sa bago niyang kaibigan!" "Maging masaya nalng ako para sa kanya." Itinuon nalang ni Mela ang kanyang sarili para sa espesyal na kaarawan ni Angie at inenjoy ang gabing iyon. Pagkatapos ng debu ni Angie ay nanatili pa doon si Mela at nagabang ng masasakyan pauwi habang sina Jena at ng iba pang mga tao doon ay nagpaiwan din dahil nagkasundo-sundo silang uminom ng alak bilang parte na rin ng selebrasyon ng kaarawan ni Angie. Nagulat si Mela ng makita kung paano tumagay si Jena ng alak at tila sanay na sanay ito, nang makitang lasing na lasing na si Jena ay nilapitan ito at nangamba na baka may masamang mangyari sa kanya dahil halos puro lalaki ang kainuman niya, hindi maiwasang magisip ng hindi maganda si Mela lalo na't nakikita niyang hindi na kayang alalayan ang sarili ni Jena. Nagdesisyon si Mela na manatili muna doon dahil nagaalala siya para sa kanyang kaibigan at hindi niya na matiis ang kanyang nakikita dali - daling lumapit at itinayo ito. "Halika na umuwi na tayo!" "Lasing ka na !" "Hindi mo na alam ang ginagawa mo!" Bigkas ni Mela na may pagkainis sa mga kasama ni Jena na ang tingin niya ay hindi sila mapagkakatiwalaan dahil pilit nilang nilalasing si Jena hanggang sa hindi na ito makatayo sa sobrang kalasingan "Umalis ka na , hindi kita kailangan!" "Wag mo na akong pakialaman pa!"
Jena dahil sa sobrang kalasingan niya ay wala na siyang malay sa kung anong ginawa sa kaniya at ang masama pa ay hindi niya kilala ang lalaking iyon. Nagising na lng siya bigla na nasa isang lugar na hindi niya alam at nagulat nang makita ang sariling walang saplot sa katawan. Nagsimulang humagulgol sa iyak dahil hindi niya lubos maisip na nangyari sa kaniya ito. Nagsisi siya at humingi ng tawad sa kaniyang Ina na umiiyak habang kinukwento ito ni Jena kasabay ng namumuong galit sa kaniyang damdamin sa lalaking gumawa nito sa kanyang anak. Inamin niya din lahat ng mga pagsisinungaling niya sa kaniyang Ina at ang patungkol sa knila ni Mela na matagal na silang hindi naguusap at nagkakasama. Halo halong lungkot at galit ang nararamdaman ng kaniyang Ina. Pagkalipas ng ilang araw ay pumunta si Jena sa bahay nila Mela upang humingi ng tawad sa kaniya at gusto niyang makipagayos sa kaniya. Hindi na naabutan pa ni Jena si Mela dahil noong araw na iyon ay nagbiyahe si Mela papuntang Maynila ,habang bakasyon ay naisip niyang magtrabaho muna upang makapagipon para makabili ng selpon na gagamitin sa pagaaral nito sa kolehiyo, nasira ang kaniyang selpon dahil na rin sa katagalan. Sinubukan na lamang ni Jena na padalhan ito ng mensahe upang magpaliwanag ngunit wala ng natanggap na mensahe pabalik si Jena mula kay Mela at hindi niya alam na nasira pala ang selpon nito. Pagkalipas ng ilang buwan ay nakauwi na nga si Mela sa probinsya at nalaman ito ni Jena kaya dali dali siyang bumisita sa kanila. Nagulat si Mela ng puntahan siya nito, pagkatinginan pa lng nila ay alam na ang pahiwatig ng kanilang mga mata at ramdam ang sobrang pagkamiss ng isa't-isa. Hindi pinalampas ang oportunidad na ito ni Jena upang makapagpaliwanag at humigi ng tawad sa kaibigan, pinakinggan siya ni Mela at ganun din sa kaniya ay aminadong nagkaroon din ng pagkukulang kay Jena bilang isang kaibigan. Nagpatawaran ang isa't- isa at napagtanto nilang dalawa na walang ibang magdadamayan at magmamalasakitan kundi silang dalawa pa rin, nagpanumbalik ang nasira nilang pagkakibigan at ngayon ay unti-unti nilang inaayos.