







Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
research about millenial words chapter 1
Typology: Thesis
1 / 13
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
Kaligiran ng Pag-aaral
Tunay nga na ang wika ay buhay. Ito ay patuloy na nagbabago at umuunlad sa paglipas ng panahon. Ito ay yumayaman at yumayabong dala ng iba’t ibang salik na nakaaapekto rito. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay isa sa pangunahing dahilan sa pagkakalikha o pagkakabuo ng mga bagong salita na tinatanggap at tinutugunan ng lipunan. Ang mga salitang ito ay nagkakaroon ng kanyang kahulugan at kahalagahan sa lipunang pinaggagamitan nito.
Ang wikang buhay ay dinamiko, nahuhubog ito ng panahon upang makaagapay sa pangangailangan at makatugon sa kaunlaran. Higit na mabisa ang wika kung ito ay patuloy na umuunlad kasabay sa pagsulong ng kaunlaran ng bayan, edukasyon, lipunan, politika, pamahalaan, relihiyon, kultura, komunikasyon at iba pang larangan.
Ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago, kasabay ng pagbabago ng panahon upang makasunod sa pag-unlad ng daigdig. Ang tao upang makapagpahayag ng ideya, kaisipan, at anumang larangan ay maaaring lumikha, bumuo, humiram ng mga bagong salita, maaaring katutubo o dayuhang wika.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masiyasat ang antas ng kasanayan at ang lebel sa pagganap ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga makabagong salita tungo sa pagbuo ng modyul sa Filipino.
Sinasagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:
Haypotesis
Kahalagahan ng Pag-aaral Dahil sa napapanahong pag-aaral at sa inaasahang dami ng bilang ng kapakinabangan ng pag-aaral ng mananaliksik, makapagbibigay ito ng lubos na kahalagahan sa mga guro, mag- aaral, at mga mananaliksik na nagnanais tumuklas at magbigay ng kanilang ambag sa paksa ng pag-aaral na ito. Guro. Bilang isang guro, nararamdaman ng mananaliksik ang mga suliraning dulot ng kawalan ng sapat na kaalaman ng mga mag-aaral sa mga salitang millenial. Ang malaking ambag ng pag-aaral na ito ay makapagbigay ng kagamitang maaaring gamitin at makatulong sa kanilang pagtuturo upang matugunan ang anomang pangangailangan ng isang mag-aaral. Mag-aaral. Malaki ang maitutulong nito sa pagpapalalim ng kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa mga salitang millenial at mapatatag ang pundasyon ng kanilang pang-unawa rito. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito mauunawaan nila ang
Isasagawa ito sa ikalawang semestre ng taong panuruan 2017 - 2018 sa mga piling paaralan sa Oriental Mindoro kung saan naninirahan ang mananaliksik. Binigyang pokus ng mananaliksik ang mga salitang madalas na nagdudulot ng kalituhan sa mga mag-aaral. Upang matiyak ang taglay na kaalaman sa mga salitang ito, magsasagwa ng focus group discussion ang mananaliksik sa mga mag-aaral mula sa mga piling paaralan. Kahulugan ng mga Talakay
Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga salitang gagamitin sa pag-aaral at kanilang kahulugan.
Makabagong Salita.
Modyul. Kagamitang panturo na maaaring gamitin ng mga mag- aaral upang magtamo ng kaalaman.
Focus Group Discussion. Tumutukoy sa teknik na gagamitin ng mananaliksik upang makapangalap ng mga impormasyon na kakailangan sa pagsasakatuparan ng pag-aaral.
Balangkas Teoritikal
Ang pag- aaral na ito ay sumasalig sa ilang teorya ng mga paham sa larangan ng leksikograpiya at wika. Kabilang sa mga teoryang ito ay ang Pangkalahatang Teorya ng
Leksikograpiya ni Scerba (1940) at Teorya ng Paggamit ng Leksikograpiya ni Wiegand (2001). Ginamit ding sandigan ang Balangkas ni Spolky (2010).
Ang Pangkalahatang teorya ng Leksikograpiya na binuo ni Scerba (1940) ay nakatuon sa disenyo, kompaylasyon, paggamit at ebalwasyon ng mga diksyunaryo. Ayon sa kanya, ang diksyunaryo ay indinidisenyo batay sa pangangailangan ng isang grupo ng mga tao. Ang bawat isa ay mayroong kanya- kanyang pangangailangan subalit sa paggawa ng diksyunaryo, kinakailangang ang pagtingin ay nasa perspektibong panggrupo. Ang pangangalap o kompaylasyon naman ay nagsisimula sa wala hanggang makaipon ng mga sulatin na mapapaunlad sa pagdaan ng panahon. Ang paggamit naman ng mga diksyunaryo ang nagsisilbing tagapagpaalala ng mga salitang maaaring nakalimutan ang tunay na kahulugan kung kaya't nararapat ang paglalagay ng tumpak na kahulugan. Panghuli, ang ebalwasyon sa isang diksyunaryo ay maaaring gawin sa dalawa, ang pagbibigay pansin sa nilalaman at sa kayariang pisikal. Kinakailangan ang pagkakaayos ng isang diksyunaryo ay makapagbigay ng kalinawan sa hinahanap na salita at hindi ang pagdaragdag ng pagkalito.
Si Wiegand (2001) naman ang may akda ng Teorya ng Paggamit ng Leksikograpiya. Ang kanyang teorya ay may
mahikayat ang mga mag-aaral sa paghubog ng lipunang ginagalawan.
Balangkas Konseptuwal
Pigura 1
Makikita sa Pigura 1 ang balangkas ng pag- aaral na siyang nagbibigay ng direksyon sa mananaliksik tungo sa ninanais niyang mabuong kagamitang panturo. Ito ay nagsimula sa pangangalap ng mga suliranin ng mga mag-aaral sa binagong gabay sa ortograpiya ng wikang
pambansa na nakatuon sa wastong gamit ng gitling sa pamamagitan ng Focus Group Discussion (FGD). Bilang awtput ng pag-aaral, isang modyul ang nais na mabuo ng mananaliksik ukol sa pasulat na kakayahan batay sa binagong gabay sa ortograpiya ng wikang pambansa.
Inilalahad sa kabanatang ito ang mga kaugnay na literatura, pag- aaral, at sintesis ng pananaliksik na naisulattungkol sa paksang tinatalakay ng kasalukuyang pag- aaral. mula sa mga paham at nanaliksik nang puspusan
Kaugnay na Literatura Ang mga kaugnay na literaturang nakalap ay isinulat sa paraang tapikal upang maging komprehensibo at maayos ang daloynauukol ng sapaglalahad. batas, pagbuo Kinapapalooban at paggamit ito ngng mgamga babasahingkagamitang panturo. Batas sa paggamit ng wika
pagbabagong magaganap sa wika dahil dulot ng pagbabagong ito ng mga suliranin sa pagbabaybay sa ortograpiya at gramatika. Sa patuloy na panghihiram ng mga salita sa ibang wika, nawawalan ng kakanyahan ang isang wika dahil sa mga katangiang hinahalaw ditto na nagpapabago sa anyo ng palabaybayan nito. Ang mga nabanggit na literatura ay may kahalagahan sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat may mag konsepto tulad ng mga kaisipan sa pagproseso ng mga impormasyon na mababasa sa kasulukuyang pag-aaral. Samantala, ayon kay Transona Jr., (2002), malaki ang papel na ginagampanan ng edukasyon sa pag-unlad ng isang bansa. At dahil sa paaralan nakabatay ang mga inaasahan at mithiin ng mga mamamayan patuloy na nagbabago ang sistema. Ang antas ng kahusayan ng alinmang paaralan ay nakasalalay sa pagganap ng mga guro sa pagtuturo. May iba’t ibang papel na ginagampanan ang guro sa pagtuturo. Sa kanilang pagtuturo sila ay umaakto bilang bilang tagapayo, patnubay, tagapangsiwa, kapatid, kaibigan, magulang, at iba pa. Sa isang isang banda, dahil sa ang pagtuturo ay isang komplikadong gawain, mahalaga ang kahandaan ng guro sa propesyong ito. Bagamat, hindi lamang ang guro ang tanging baryabol sa ekwasyong pagtuturo-pagkatuto, ang kahandaan ng guro sa pagtuturo ay isang malaking salik na nakapag-aambg sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon kay Bacani (2000), makakamit